Larong Pinoy
Mga Larong Pinoy Ang piko o tinatawag na "hopscotch" sa Ingles ay nagmula pa sa panahon ng Imperyo ng mga Romano. Ginagamit ito bilang pagsasanay ng mga tao sa loob ng militarya. Sa panahong iyon, ang mga sundalo ay tatalon ng 100 na talampakan na parang at suot-suot ang kanilang mga kagamitan. Naniniwala sila noon na ang ganitong pagsasanay ay nakakapag-paganda ng katawan, lakas at resistensiya sa mga paa ng mga sundalo. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Ang mga bata ay namimili ng taya sa pamamagitan ng kamay. Tinatawag nila itong " maiba taya ." Una, tatayo ang mga bata ng pabilog at ilalapat nila ang kanilang mga kamay sa gitna ng patong-patong. Babanggitin nila ang katagang "maiba taya" at isa-isang itataas nila ang kanilang mga kamay at sabay bagsak sa gitna pa din. A...